High-powered rifle ng NPA, narekober sa Camarines Sur

Nakuha ng mga sundalo ang dalawang high-powered firearm na ginagamit ng New People's Army.

Nakuha ng mga sundalo ang dalawang high-powered firearm na ginagamit ng New People’s Army.

Ito’y narekober ng mga militar matapos ang engkwentro sa teroristang grupo nitong Lunes.

Ayon kay Major Frank Roldan, spokesperson ng 9th Infantry Division, nangyari ang salpukan sa Brgy. Lubgan sa bayan ng Bulan, Camarines Sur.

“The troops acted on civilian information that armed men were monitored in the area. The 81st Infantry Battalion conducted an operation and encountered at least 10 rebels,” ayon kay Roldan.

Nakuha sa mga rebelde ang dalawang M16 rifle at apat na magazine.

Wala namang nasugatang sundalo sa naturang enkwentro, ayon pa kay Roldan.