‘High degree of professionalism’ sa Kamara, impluwensiya ni Romualdez—mambabatas

Malaki ang respeto ng mga mambabatas kay House Speaker Martin Romualdez, na ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan, ay nagdadala sa Kamara ng "high degree of professionalism."

Ibang klase ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez.

Tila ito ang gustong ipabatid ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan, nang pinapurihan nito ang “high degree of professionalism” ni Romualdez, na aniya nakatulong ng malaki kung kaya’t maganda ang itinatakbo ng House of Representatives nitong 19th Congress.

“Speaker Romualdez has demonstrated how inclusive and action-oriented leadership, along with a high degree of professionalism, can result in record accomplishments for the House of the People,” sabi ni Yamsuan sa isang pahayag na inilabas niya nitong Linggo, Oktubre 22.

“Under his stewardship, the House was able to attain 100 percent approval of the bills under the Common Legislative Agenda of the 19th Congress way ahead of schedule. He was able to accomplish this remarkable feat without sidelining anyone,” dagdag pa niya.

Aniya, malaking rason dito ay ang respeto ng Kamara sa liderato ni Romualdez.

“He listened and valued the inputs of every lawmaker—from district to party-list representatives, or whether he or she belongs to the majority of minority. Pinakinggan ‘nya ang lahat ng panig at nirespeto ang kanilang mga inputs at opinyon, kaya naman umani rin siya ng mataas na respeto mula sa bawat mambabatas,” sabi pa ni Yamsuan.