Higanteng sawa hinahanap sa Pangasinan

Nangamba ang mga residente ng Sito Nibaliw sa Barangay Bued sa Calasiao, Pangasinan matapos tumambad ang balat ng ahas na sobrang laki at haba.

PHOTO FROM CALASIAO MAYOR Kevin Roy Q. Macanlalay

Nangamba ang mga residente ng Sito Nibaliw sa Barangay Bued sa Calasiao, Pangasinan matapos tumambad ang balat ng ahas na sobrang laki at haba.

Nakita sa naturang sitio ang pinagbalatan ng ahas na aabot sa 16 foot ang haba.

Kaya naman kaagad na umaksyon ang Philippine National Police Calasiao, Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Environment & Natural Resources para mahanap ang ahas.

Nagpatulong na rin ang barangay sa kilalang vlogger at snake rescuer na si Princess Tuklaw para matunton ito.

Ayon sa snake rescuer, sa isa umanong reticulated python o sawa nanggaling ang balat na posibleng umaabot ang haba sa 25 feet.

Dahil sa nadiskubreng sawa na posibleng namamalagi pa rin sa Brgy. Bued, binalaan muna ang mga residente na huwag munang pumunta sa lugar kung saan nakita ang pinagbalatan ng sawa.