Higanteng barko ng China, lumayas na sa ‘Pinas

Nakaalis na sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang pinakamalaking coast guard ship sa buong mundo na pagmamay-ari ng China.

Nakaalis na sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang pinakamalaking coast guard ship sa buong mundo na pagmamay-ari ng China.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, dumaan lang sa EEZ ng bansa ang China Coast Guard 5901 at hindi rin nagtagal sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson para sa West Philippine Sea, noong Linggo pa nakaalis ang dambuhalang coast guard ship sa EEZ.

Matatandaan na namonitor ng maritime security expert na si Ray Powell ang China Coast Guard 5901 sa Panatag Shoal noong Biyernes.

Bukod sa malaking barko, may kasama din itong isa pang vessel ng China Coast Guard.

Patuloy namang magmo-monitor ang AFP sa area kung saan nakita ang tinuturing na ‘monster ship’ kahit pa nakaalis na ito sa EEZ ng bansa.