Hidilyn Diaz sabik na maging nanay!

Matapos pagsilbihan ang bansa, mukhang handa na si Hidilyn Diaz na bumuo ng kanyang sariling pamilya.

Matapos pagsilbihan ang bansa, mukhang handa na si Hidilyn Diaz na bumuo ng kanyang sariling pamilya.

Bakasyon grande si Hidilyn, untangling FIlipino Olympic gold medalist, sa Phuket, Thailand matapos sumabak sa International Weightlifting Federation (IWF) World Cup.

Kasama ni Hidilyn ang kanyang trainer at mister na si Julius Naranjo.

Sa kanyang social media, nagpahiwatig si Hidilyn sa kanyang manager at ninong na si Noel Ferrer na mag-countdown na raw ito para sa magiging apo nito.

Matagal nang sinabi ni Hidilyn na gusto na niyang maging ina, ngunit hinintay lang niya ang qualifying bid para sa Paris Olympics.

Nabigo si Hidilyn na makapasok sa kanyang ima-limang sunod na Olympics matapos na pumwesto lang sa 11th place sa World Cup.

Swak naman sa Paris ang Pinay weightlifter na si Elreen Ando sa women’s 59 kg event.