Hi-tech na solusyon laban sa korapsyon: Teknolohiya ang susi kontra anomalya—BI

Para kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, paggamit ng modernong teknolohiya ang susi sa mas magandang serbisyo sa Immigration, pati na rin sa pagsugpo sa korapsiyon at anomalya.

Matapos suspindihin o sibakin ang may 73 Bureau of Immigration (BI) personnel, binigyan diin ng ahensiya na layon nitong gamitin ng husto ang mga modernong teknolohiya upang labanan ang mga anomalyang gaya ng sinasabing escort services diumano.

“Ngayon manual pa rin tayo. A passenger has to interact with an immigration officer to be processed. But with the upgrades we are implementing, our operations would involve e-gates and AI (artificial intelligence), which would remove unnecessary person-to-person contact,” paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Dagdag pa niya, sinimulan na ng ahensiya ang pagbili ng electronic gates, o e-gates, na papalit sa manual inspection sa mga paliparan.

Ayon kay Tansingco, layon ng BI na ibaba ng 50 porsiyento ang mga manual operations ng ahensiya hanggang taong 2026.

Makatutulong ito ng malaki sa pagsugpo sa korupsiyon at hokus-pokus sa ahensya, ani Tansingco.