Hi-tech na ang krimen ngayon: Bilang ng cybercrime, mas mataas ng 400% kumpara nakaraang taon

Pinaalalahanan rin niya ang publiko na maging mas mapanuri at maingat online, at huwag basta-basta maniniwala sa mga alok ng instant money o mataas na investment.

Tumaas ang insidente ng cybercrime sa bansa ng 400% kumpara nakaraang taon.

“There has been a spike in cybercrime-related incidents to the tune of 400 percent. These are already becoming the majority of the cases the DOJ is facing,” saad ni Justice Assistant Secretary Jose Dominic Clavo IV sa isang panayam.

Ayon din kay Clavo, karaniwang may kinalaman sa mga love scam, investment scam, at phishing ang mga insidenteng inirereklamo. Kanya naman binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsugpo sa cybercrime sa lalong madaling panahon.

“We will need to build a cybercrime war against these scammers…We will ask for funding for our Office of Cybercrime to get the equipment capable of scraping the internet,” sabi niya. “Cyber criminals must also be prosecuted and convicted to halt the rise in cybercrimes.”

Kaugnay niyan ay pinaalalahanan rin niya ang publiko na maging mas mapanuri at maingat online, at huwag basta-basta maniniwala sa mga alok.