Heat index sa CamSur papalo sa 45°C

Inaasahang mararamdaman sa Camarines Sur ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Inaasahang mararamdaman sa Camarines Sur ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa pagtataya ng Pagasa, aabot sa 45°C ang heat index sa Central Bicol State University of Agriculture Pili.

Ang 45°C na heat index ay pasok sa ‘danger’ level, na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at maging heat stroke.

Samantala, 14 pang lugar sa bansa ang makakaranas ng ‘danger’ level na heat index ngayong Lunes.

Ito ay ang Infanta, Quezon; Aborlan, Palawan; Puerto Princesa City, Palawan; Dagupan City, Palawan; Dagupan City, Pangasinan; Legazpi City, Albay; Aparri, Cagayan; Guiuan, Eastern Samar; Masbate City, Masbate; Virac, Catanduanes; Roxas City, Capiz; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; Catarman, Northern Samar; at Tuguegarao City, Cagayan.

Ang panahon ng taginit sa bansa ay pinaigting ng El Niño phenomenon.