‘Heartbreak leave’ para sa mga sawi sa pag-ibig, nilalakad sa Kamara

Sinusulong ng isang kongresista na bigyan din ng leave ang mga taong sawi sa pag-ibig.

Sinusulong ng isang kongresista na bigyan din ng leave ang mga taong sawi sa pag-ibig.

Ihinain ni Cagayan de Oro Representative Lordan Suan ang House Bill No. 9931 o “Heartbreak Recovery and Resilience Act.”

“Studies reveal the substantial toll breakups take on individuals, affecting their emotional and mental well-being, leading to decreased productivity, absenteeism, and legitimacy of emotional distress stemming from personal life and offers crucial support during this challenging time,” ayon kay Suan.

Nakasaad sa panukalang batas na lahat ng mga empleyado mula sa public o private sector ay eligible sa “heartbreak leave” sakaling maging ganap itong batas.

Ang mga empleyado na hindi lalagpas ang edad sa 25 ay maaaring magkaroon ng isang araw na unpaid “heartbreak leave” kada taon.

Samantala, ang mga manggagawa na edad 25 hanggang 35 ay maaring bigyan ng dalawang araw na unpaid “heartbreak leave”, habang ang mga edad 36 pataas naman ay bibigyan ng tatlong araw na unpaid leave sa ilalim ng naturang House bill.

Para mai-file ang “heartbreak leave”, kailangan magpadala ng written notice ang empleyado dalawang araw bago ito magamit.