Heart kinabahan, naiyak bilang pinuno ng Senate spouses foundation

Bahagyang napaiyak at kinabahan si Heart Evangelista matapos nilang mapag-usapan ng kanyang asawang si Senate President Francis "Chiz" Escudero ang kanyang trabaho sa Senate Spouses Foundation Inc.

Bahagyang napaiyak at kinabahan si Heart Evangelista matapos nilang mapag-usapan ng kanyang asawang si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang kanyang trabaho sa Senate Spouses Foundation Inc.

Base kasi sa nakasanayan, ang foundation ay pinamumunuan ng asawa ng Senate president.

Ayon kay Escudero, kinakabahan umano ang kangang maybahay dahil hindi nito kabisado ang mga gagawin sa naturang foundation.

“Pinag-usapan na namin kagabi ‘yan. Naiyak siya nang kaunti, parang hindi daw niya kaya,” pahayag nito.

“Nagtatanong siya, hindi daw niya alam, hindi daw niya kabisado, sabi ko ako rin naman, hindi ko alam, hindi ko rin kabisado,” kuwento pa ni Escudero.

Kaya naman, pinayuhan umano ni Escudero si Heart na huwag masyadong mag-isip at ipressure ang sarili.

“[I told her], ‘Huwag ka magpa-pressure, ‘yong kaya lang, kung ano lang ‘yong kaya.”

Payo pa nito: “Sabi ko lang, ‘Simulan mo muna sa baba, paakyat, imbes na magsimula ka sa taas na pababa.’ Ibig sabihin, huwag ‘yong ang dami-dami agad. Simulan mo muna sa kaunti na parami, kaysa sinimulan nang madami tapos kumonti.”