Heart Evangelista todo suporta kay Chiz

Masayang ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang suporta sa asawa na si Chiz Escudero bilang bagong Senate President.

Masayang ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang suporta sa asawa na si Chiz Escudero bilang bagong Senate President.

Ibinahagi ni Heart ang litrato ng panunumpa ni Chiz bilang bagong pangulo ng Senado sa harap ni Senator Mark Villa, matapos ang pagreresign ng dating Senate President na si Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Sa kanyang Instagram post, masayang inilarawan ni Heart ang kanyang asawa, habang nakabihis sa kanyang barong at siya naman ay nakasuot ng magandang chocolate brown na damit.

“Mr. Senate President 🇵🇭, I am so proud of you 💕,” ani Heart sa caption ng kanyang post.

Nagpasalamat naman si Chiz sa tiwala at pagkakataong ibinigay sa kanya ng kanyang mga kapwa senador upang pangunahan ang Senado.

Siniguro niyang sa kanyang pamumuno, ipagpapatuloy nilang isabatas ang mga panukalang makakatulong upang maiangat ang buhay ng bawat Pilipino.

TINGNAN: