Heart Evangelista muling nakunan

Sa mismong araw ng mga ina ngayong Linggo ibinahagi ni Heart Evangelista ang malungkot na balitang nakunan siya sa ika-apat na pagkakataon.

Sa mismong araw ng mga ina ngayong Linggo ibinahagi ni Heart Evangelista ang malungkot na balitang nakunan siya sa ika-apat na pagkakataon.

Ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram post ang isang liham sa kanyang anak na lalaki na pinangalanan niyang ‘Francisko.’

Ani Heart, huminto ang pagtibok ng puso ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

“A few days ago our baby boys heart stopped beating. This will be our 4th angel and although this could be one of my biggest heartbreaks, thank you for still for trying to be with me and for making me feel so much love already,” saad ni Heart sa caption ng kanyang post.

“I love you ‘francisKo’ i shall keep my heart intact while you find your way back to us,” dagdag pa ng aktres.

Taong 2018 nang unang magdalang-tao si Heart sa isang kambal. Nakunan ang aktres sa parehong sanggol.

Ilang buwan matapos ito, nagbuntis muli si heart ngunit sa kasamaang palad ay nakunan muli siya.