Heart, Chiz bigong makabuo ng baby

Binunyag ni Heart Evangelista na bago ang kanilang renewal of vows ay sinubukan nilang magka-baby na ni Senador Chiz Escudero.

Binunyag ni Heart Evangelista na bago ang kanilang renewal of vows ay sinubukan nilang magka-baby na ni Senador Chiz Escudero.

Ngunit nabigo sila matapos hindi mabuo ang una sana nilang supling sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

“We were expecting a baby, actually. I wasn’t pregnant but was expecting my only girl that I had left, eggs,” ayon kay Heart sa panayam ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’.

“So at that time, I thought she was gonna make it, but she didn’t. So that one is a bit hard for me,” lahad ng aktres.

Wika ni Heart, umasa talaga siyang magkakaroon na sila ng anak. Pinangalanan na nga niya ang sana’y magiging baby nila ni Chiz na ‘Sophia Heart’.

“Actually, I cry not because I wasn’t given what I want and that I’m a spoiled child. I cry because it’s so hard for me to produce the egg and so it was hard for me to accept the fact that you know, I gave her name. I actually named her,” sambit ng aktres.

Sa ngayon ay tanggap na ni Heart ang nangyari, at aniya, naniniwala siyang may plano para sa kanya ang Panginoon.

“I’m predisposed to always accept God’s will. So, ‘yun ang sabi ko sa kaniya. If it’s not now, if it’s not this, may mas maganda pang nakaplano,” saad niya.