Healthcare para sa lahat: FL Liza binuksan medical center sa Clark, namigay 14 mobile clinics

Pinangunahan nina Health Secretary Ted Herbosa at First Lady Liza Araneta Marcos kasama ang ground breaking ceremony ng Multi-Specialty Medical Center sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Pinangunahan nina Health Secretary Ted Herbosa at First Lady Liza Araneta Marcos kasama ang ground breaking ceremony ng Multi-Specialty Medical Center sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ang naturang seremonya ang nagmamarka sa pagsisimula ng konstruksyon ng Clark Multi-Specialty Center bilang bahagi ng priority health project ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay ng ground breaking ceremony, ang pag turn-over ng 14 na Bagong Pilipinas Mobile Clinics sa mga probinsya ng Region 1, 2 at CAR, kabilang din ang para sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Cagayan, Quirino, Isabela, at Nueva Viscaya.

Ang mga naturang mobile clinics ay equipped ng mga kagamitan para sa medical, diagnostic at referral services upang mailapit ang serbisyong medical sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.

“These endeavors mark a pivotal step towards the realization of Universal Health Care in our country. Together, let us continue to work to ensure quality healthcare is not just a privilege, but a fundamental right for all Filipinos tungo sa Bagong Pilipinas, kung saan Bawat Buhay Mahalaga!,” saad ni DOH Secretary Herbosa.

Samantala kasama rin sa ground breaking ceremony si DPWH Secretary Manuel Bonoan, PAGCOR Vice President Ma. Vina Claudette Peralta Oca, mga lokal na opisyal ng Pampanga at iba pang local chief executives.