Hayok sa abs! Harry Roque pinanggigilan Ronnie Liang

Sumulpot ngayon sa social media ang lumang video nina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at singer Ronnie Liang kung saan tila pinanggigilan ni Roque ang singer habang nasa isang speedboat o bangka.

Ang naturang video ay pinagpiyestahan ng mga netizens kaugnay sa kasalukuyang kontrobersiya ni Roque sa pageant winner na si AR Dela Serna.

“So maya-maya, tingnan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang!” sabi sabay tawa ni Roque habang inaasar si Liang sa video.

“Ako, mag-topless ako,” hirit pa ni Roque sabay halakhak muli.

Depensa naman ni Liang, hindi siya “alaga” ni Roque at nagkataong nagkasalubong lamang sila ng dating spokesperson sa isinagawang relief operations para sa mga nasalantang bagyo sa Dinagat Islands noong Hulyo 2022.

“Para malinaw, si Ronnie Liang ay hindi po ‘alaga’ ni Harry Roque tulad ng ibig pakahulugan ng ilan,” saad ni lawyer Rafael Vicente Calinisan sa isang statement, ayon sa ulat sa abogado.com.ph.

Dagdag nito, isang Philippine Reservist si Liang at naki-misyon sa relief operations kasama ang mga sundalo, kapulisan, at mga lokal na opisyal.

PANOORIN: