Hayaan silang magkapamilya: Madaling proseso ng pag-ampon, isinusulong ng DSWD

Nais ni Social Welfare Secretary Gatchalian na padaliin at pabilisin ang proseso ng legal adoption at foster care para na rin sa ikabubuti ng mga batang walang pamilya.

Nanawagan sa mga mambabatas si Social Welfare Secretary Gatchalian na padaliin at pabilisin ang proseso ng legal adoption at foster care sa bansa upang mapalakas ang kapasidad ng mg adoptive parents na bumuo ng pamilya.

“The task of supporting adoptive families and foster families must continue to be enhanced, especially in terms of strengthening the capacity of prospective adoptive parents about their new roles and other measures to prevent adoption disruption,” paliwanag ni Gatchalian sa kaniyang talumpati sa ika-17 Philippine Global Consultation on Child Welfare Services na may temang “The Premise and the Promise of Republic Act No. 11642.”

Dagdag pa niya, ginagawa ang naturang global consultation upang talakayin ang mga paraan upang mas mapaganda ang mga “policies, systems, and procedures on child welfare services.”

Aniya, dapat rin magtulungan ang mga bansa upang wakasan ang child trafficking at mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga batang walang pamilya.