Hawakan niyo nga sa tenga si ‘Mata?’ DOJ, hinamon si Arnolfo Teves Jr. na harapin ang mga kaso nito

Dapat harapin ni dating congressman Arnolfo Teves Jr. ang mga kaso sa kanya kaugnay sa pagpaslang kay kay Governor Roel Degamo sa halip na magtago ito

Huwag kang magtago at bagkus ay harapin mo ang mga kaso mo.

Iyan ang mensahe ng Department of Justice (DOJ) kay Arnolfo Teves Jr., ang pinatalsik na representante ng Negros Oriental na ngayon ay itinuturong kasangkot sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Kaugnay nito, sinabi ng DOJ na nakahanda na itong mag-file ng mga kaso laban kay Teves, na una nang pinaaresto ng Korte kaugnay nga sa nasabing pagpaslang.

“If the accused feels aggrieved by the resolution, there are legal remedies that are available to them. Certainly, threatening the panel of prosecutors and whining before the media is not among those,” paliwanag ni Deputy Chief State Prosecutor Anthony Fadullon.

“Any lawyer worth his oath should be aware that recantations go into the credibility of the witnesses and, therefore, it is best addressed and appreciated by the trial court in the course of a full-blown trial,” aniya.

Hinimok rin ni Fadullon si Teves na harapin sa korte ang kaniyang mga kaso sa halip na patuloy siyang magbigay ng mga “irresponsible” at “sweeping” na pahayag, gaya ng akusasyon nitong ginagamit lamang ang DOJ ng mga taong may sariling interes.