Harry Roque nadulas noon sa POGO?

Binalikan ng mga netizen ang bahagi ng briefing noon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na nagpapaliwanag sa 'pakinabang' ng POGO sa bansa sa kasagsagang ng COVID pandemic.

Binalikan ng mga netizen ang bahagi ng briefing noon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na nagpapaliwanag sa ‘pakinabang’ ng POGO sa bansa sa kasagsagang ng COVID pandemic.

Kasunod ito ng isinawalat ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na si Roque daw ang tumulong sa POGO na ni-raid kamakailan sa Porac, Pampanga para makakuha ulit ng lisensya.

Sa video na ipinost sa X platform ng netizen na si Raymond Ramirez, mapapanood na sinabi ni Roque na ang POGO ay bahagi raw ng industriya na nagbibigay ng cash resource sa Presidente.

Pero agad itong kumambyo at sinabing “sa pamahalaan”.

“So ang POGO po kabahagi po yan siguro ng isang industriya na nagbibigay ng cash resource sa Presidente-sa ating pamahalaan (sa pamamagitan ng buwis)”

Samu’t sari naman ang naging komento ng mga netizen:

“…sa Presidente, at sa inyong lingkod,” nakalimutan nya yung part na yan. hahahah!”

“Ayun. Ang butanding ay nahuhuli sa sariling bibig. 😂”

“Mahilig kasing magpadulas.*

Ang edited clip ay kuha sa press briefing noong April 21, 2020.