Hari ng kalsada no more? Regulasyon ng e-bikes, pinag-aaralan na

Tila bilang na ang araw ng paghahari-harian ng mga e-bikes sa kalsada.

Tila bilang na ang araw ng paghahari-harian ng mga e-bikes sa kalsada.

Ito ay dahil pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbalangkas sa regulasyon sa paggamit ng e-bikes at electric tricycles.

BASAHIN:

Hari-harian sa kalsada! Netizen imbyerna sa e-bike

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagmula ang planong i-regulate ang mga ito bunsod ng kabi-kabilang reklamo at aksidente na kinasasangkutan ng mga e-bike.

“This needs to be addressed immediately while e-bike and e-trike drivers have not caused major accidents,” ani MMDA Chairman Romando Artes.

Dagdag pa niya, kasama sa pinag-aaralan ang pagbabawal sa e-bikes sa mga pangunahing kalsada.

Nagpahayag din ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa biglaang pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng e-bike sa kalsada.

Bukod sa MMDA at LTFRB, kasama sa mga babalangkas ng mga rekomendasyon na ipapasa sa Department of Transportation ang Land Transportation Office at 17 Metro Manila LGUs.

Sa kasalukuyan, ang mga e-bike at e-trike drivers ay hindi nahuhuli ng mga traffic enforcers dahil sila ay hindi required na i-rehistro ang kanilang sasakyan at kumuha ng lisensya.