Hari-harian sa kalsada! Netizen imbyerna sa e-bike

Ubos na ang pasensya ng mga netizen sa mga electric bicycle o e-bike na tila naghahari-harian ngayon saan mang lansangan sa bansa.

Ubos na ang pasensya ng mga netizen sa mga electric bicycle o e-bike na tila naghahari-harian ngayon saan mang lansangan sa bansa.

Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, isang e-trike o e-bike na may tatlong gulong ang namataang gumigitna sa Osmeña Highway. Walang takot na nakipag-patintero sa malalaking sasakyan ang e-trike.

Ipinangamba naman ito ni dating Barbaza, Antique Mayor Pingping Francisco.

“Is this [poop emoji] legal? If unfortunately any accident happens these [poop emoji] will claim victim as it happened to me!” ani Francisco sa kanyang post sa X.

Ang video na ibinahagi ni Francisco sa X ay isa lamang sa sangkatutak na viral video kung saan ang mga e-bike at e-trike ay nagpamalas ng pagiging ‘kamote’ sa kalsada.