Happy wife Nga kasi! Villar matibay pagtutol sa Divorce Bill

Mariin pa rin na tinututolan ni Senadora Cynthia Villar ang panukalang Divorce Bill sa Pilipinas, kahit na marami nang kasama niyang mga babaeng senador ang sumusuporta dito.

Mariin pa rin na tinututolan ni Senadora Cynthia Villar ang panukalang Divorce Bill sa Pilipinas, kahit na marami nang kasama niyang mga babaeng senador ang sumusuporta dito.

Ayon kay Villar, hindi siya nadadala sa mga argumento ng kanyang mga kapwa senadora gaya nina Risa Hontiveros, Grace Poe, Pia Cayetano, Imee Marcos at Loren Legarda na nananadvo para sa pagpasa ng nasabing panukalang batas.

“They are not convincing me to do otherwise. And I won’t change my mind,” pahayag ni Senadora Villar sa isang panayam.

Kasama ni Villar sa hanay ng patuloy na tumututol sa Divorce Bill sa Pilipinas ay mga conservative senators tulad ni Tito Sotto, Jinggoy Estrada, Migz Zubiri, Fruit Tolentino, Joel Villanueva at Ronald dela Rosa.

Ayon kay Senadora Villar, ang dahilan ng kanyang pagtutol ay ang masayang kasal at pamilya na mayroon siya. Aniya, “You know, I have a very happy family life, and a happy marriage. So I never once thought of supporting divorce,”.

Bagama’t inaprubahan na ng Kamara ang panukalang batas, kailangan pa nitong dumaan sa Senado bago maging batas. Gayunpaman, ayon kay Senadora Villar, maliit lang ang tsansang maipasa ito sa Senado dahil sa malaking oposisyon mula sa mga conservative senators.