Hapon nangmanyak sa eroplano, dinakip sa Cebu

Isang Hapon ang inaresto sa Mactan-Cebu International Airport noong Huwebes matapos itong magsarili sa harap ng isang babae sa loob ng sinasakyan nilang eroplano.

Isang Hapon ang inaresto sa Mactan-Cebu International Airport noong Huwebes matapos itong magsarili sa harap ng isang babae sa loob ng sinasakyan nilang eroplano.

Ayon sa ulat ng pulisya, biyaheng Cebu ang eroplanong sinasakyan ng suspek at ng biktima.

Batay sa testimonya ng biktimang 29-anyos na babae, natutulog lamang siya sa gitna ng kanilang biyahe. Nang siya raw ay magising, tumambad sa kanya ang katabi niyang Hapon na nilalaro ang kanyang alaga.

Agad na tinawag ng biktima ang atensyon ng isang crew ng eroplano. Inalerto agad nila ang kapulisan, kaya naman pagbaba nila sa nasabing paliparan ay inaresto ang suspek.

Nahaharap ang banyaga sa kasong grave scandal.