Hans Leo Cacdac bagong DMW secretary

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) si Hans Leo Cacdac.

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) si Hans Leo Cacdac.

Huling nanungkulan si Cacdac bilang officer-in-charge ng DMW, na kanyang hinawakan buhat nang pumanaw ang dating kalihim ng ahensya na si Susan Ople.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. has appointed Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac to head the department, a year after he was designated as the officer-in-charge on April 8, 2023,” pahayag ng Palasyo.

Dati ring nagsilbi si Cacdac bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).