Hanggang damit lang! Netizens inilutang anti-China shirts ng ilang senador sa World Cup

Kinalampag ng mga netizen ang ilang senador na nagpasikat noong 2023 FIBA World Cup sa kanilang t-shirt na nagpapakita ng suporta sa Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Kinalampag ng mga netizen ang ilang senador na nagpasikat noong 2023 FIBA World Cup sa kanilang t-shirt na nagpapakita ng suporta sa Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Sina Senate President Juan Miguel Zubiri at mga senador na sina Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara, at Joel Villanueva ay agaw-pansin noong FIBA World Cup sa kanilang “West PH Sea” na mga t-shirt.

Suot nila ang mga damit noong nagharap ang Gilas Pilipinas at China sa World Cup. Nagwagi ang Gilas sa naturang laban, 96-75.

Ngunit ngayong hina-harrass ng China ang Pilipinas sa WPS ay nakukulangan ang mga netizen sa ingay ng mga nabanggit na mambabatas.

“So hanggang shirt na lang ba?” saad ng Facebook page na Idiots in Government.

Sa comment section ng kanilang post ay nagpahayag ng pagkadismaya ang ilan pang mga netizen. Ito ang ilan sa mga komento:

“Hanggang loob ng Araneta lang ang commitment. For show lang.”

“Basketball lang natin Sila kayang wasakin.”

“Wala sila masabi ilang araw na ang lumipas.”

“Hanggang shirt at basketball na nga lang talaga.”