Hanep sa haba, laki! King cobra namataan sa kalsada dahil sa tinding init

Nakuhanan ng video ang isang ahas na lumabas sa lungga sa Malayok, Mogpog sa may Marinduque.

Nakuhanan ng video ang isang ahas na lumabas sa lungga sa Malayok, Mogpog sa may Marinduque.

Sa video na ibinahagi ni Emmanuel Maligad, mapapanood ang ahas na nasa kalsada, at tila’y naghihintay ito ng kanyang mabibiktima.l

Nang makaramdam ang ahas na may paparating ay mabilis itong gumapang papunta sa residential area.

Na-identinfy naman umano ang naturang ahas bilang ‘King cobra,’ na ang haba ay nasa halos dalawang metro.

Ang King cobra ay isang uri ng pinakamakamandag na ahas sa buong mundo. Karaniwang umanong lumalabas ang mga ito sa kanilang lungga dahil sa tindi ng init.

PANOORIN: