Handog sa mga Bikolano: PNR, bubuksang muli ang rutang Naga-Legazpi ng Bicol Commuter Service

Taong 2017 ng isinara ang rutang Naga-Legazpi, at matapos ang anim na taon ay bubuksan na itong muli.

Matapos ihinto ang operasyon nito noong 2017, nakatakdang patakbuhin muli ng Philippine National Railways (PNR) sa Disyembre 27 ang rutang Naga-Legazpi ng Bicol Commuter Service.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng mga simulation run ang PNR upang matukoy ang haba ng biyahe, na hihinto sa mga istasyon sa Naga City, Pili, Iriga City in Camarines Sur, Polangui, and Ligao City.

Ang nasabing ruta ay magkakaroon ng apat na biyahe mula araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes.

Ang biyaheng Naga papuntang Legazpi ay magsisimula ng 5–7 a.m., samantalang magsisimula naman ang biyaheng Legazpi papuntang Naga simula 5–7 p.m.

BASAHIN RIN: Aarangkada na! Ibababang EO ni PBBM, makakatulong sa muling pagkabuhay ng ‘Bicol Express’ rail – mambabatas

Ang pamasahe sa nasabing ruta aabot mula P15 hanggang P155. May discount rin ang mga senior, persons with disability, at mag-aaral.

Ang aktwal na biyahe simula sa Disyembre 27 ay hihinto sa mga munisipalidad ng Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan sa Camarines Norte at sa Oas sa Albay.