Handang sumalo ng tungkulin ang Mamang Pulis! Mahigit 4,000 pulis nakahandang tumulong sa BSKE – PNP chief

Hindi kaila na may mga posibleng aberya sa kahit anong halalan, gaya nang pag-atras ng mga Board of Election Inspectors. Gayunpaman, nakahanda na ang PNP sa mga ganyang kaso at may higit 4,000 na pulis na pwedeng tumulong.

May kabuuang 4,429 pulis na nag-training para maging Board of Election Inspectors (BEI) ang nakahandang magbigay serbisyo kung may mga hindi inaasahang pangyayari sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30.

“They will be on standby in anticipation of the possible absence of designated Board of Election Inspectors to report for duty due to security reasons. They are trained to assume responsibilities as members of BEI,” paliwanag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. sa maaaring maging papel ng naturang mga pulis.

Ayon pa kay Acorda, magiging on-standby sila sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Northern Mindanao. Calabarzon, at Bicol region.

“Not that these areas are perennial election flash points, but some of the parameters for the classification of election areas are present in these localities, such as the presence of threat groups, historical data of election-related incidents and intense political rivalry, and presence of organized crime and partisan armed groups,” dagdag ni Acorda.

Sa kabuuan, 356 barangay ang nasa ilalim ng Red Category samantalang 1,325 barangay naman ang nasa Orange Category.