Handang kumilos: Alert Level 3 inirekomenda na sa Gaza, ayon sa DFA

Sa gitna ng karahasan sa Israel at Gaza, inirekomenda na ng Philippine Embassy sa Amman, Jordan na ilagay sa Alert Level 3 ang naturang teritoryo, na pinamumunuan ng militanteng Hamas.

Inirekomenda na ng Philippine Embassy sa Amman, Jordan na itaas sa crisis Alert Level 3 ang Gaza sa gitna nang nangyayaring karahasan doon gawa ng tensiyon sa pagitan ng Israel at Hamas.

“Our Embassy in Amman, which has jurisdiction over Gaza, has recommended, nilagay na ‘yung Gaza [under] Alert Level 3, which is voluntary repatriation. So, hindi pa mandatory. This will be cleared with the President,” pahayag ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa isang Palace briefing.

Ayon sa embahada, kasalukuyang may 137 Pilipinong naninirahan sa Gaza, na nasa ilalim ng Palestinian Authority ngunit pinamumunuan ng militanteng Hamas.

Kaugnay nito, sinabi ni de Vega na handang-handa itong tulungang ang 38 Pilipino sa Gaza na gusto nang umuwi sa Pilipinas.

“We are in the process and we are working on it,” aniya.

Nilinaw rin niya na ang rekomendasyon ng embahada ay nangangailangan pa ng approval ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.