Handang ipaglaban bansa: Romualdez nagalak sa pagiging makabayan ng mga Pinoy

Laking tuwa ni House Speaker Martin Romualdez matapos magpahayag ng pagiging makabayan ang mga Pilipino para sa bansa, base sa pinakabagong survey ng OCTA Research.

Laking tuwa ni House Speaker Martin Romualdez matapos magpahayag ng pagiging makabayan ang mga Pilipino para sa bansa, base sa pinakabagong survey ng OCTA Research.

Base kasi sa isinagawang Tugon ng Masa survey noong Disyembre 10 hanggang 14, 2023, nasa 77 porsyento ng may edad ang nagsabi na handa silang ipagtanggol ang Pilipinas mula sa mga gustong sumakop dito.

Labis umanong naantig si Romualdez dahil patunay lamang ito ng katapangan ng Pilipino.

“These survey results demonstrate the deep-rooted love and loyalty that Filipinos have for our homeland. It is truly heartening to witness such a strong sense of national pride,” saad ni Romualdez.

“Their willingness to defend our country is a testament to their selflessness and love for our fellow citizens,” dagdag pa nito.