Handa bang madungisan? Arci Muñoz binakbakan sa pagiging reservist

Kinuwestiyon ng isang netizen ang pagiging Philippine Air Force reservist ni Arci Muñoz.

Kinuwestiyon ng isang netizen ang pagiging Philippine Air Force reservist ni Arci Muñoz.

Sa Instagram post ni Arci nitong Independence Day, binida niya ang kanyang pagiging reservist sa pagsuot ng kanilang uniform habang nakasaludo.


Tila hindi ito nagustuhan ng isang netizen, at tinanong si Arci kung handa ba itong maputikan at maging duguan kapag dumating ang punto na kailangang ipaglaban ang bansa.

“Question is, will you tread to mudd and bleed when the time comes to save our soverignty. So easy to look tough on socmed,” giit ng netizen.

Rumesbak naman si Arci sa naturang netizen at binalik ang tanong sa basher.

“Question is, did ya even try to make an effort in serving your country?” hirit ni Arci.

Paliwanag pa ni Arci, ang pagiging parte ng kasundaluhan ay hindi nangangahulugan na kailangan na makipaglaban ka sa giyera.

“Being in the force doesn’t mean you need to go to war for me it’s more of promoting peace,” saad ng aktres.