Hanap-hanap rin ng ibang paglilibangan, uy! Pilipinas, numero uno sa Pornhub sa taong 2023

Eksaktong 11 minuto at 15 segundo ang ginugugol ng piling Pilipino sa panonood na mga video sa adult website na Pornhub. Ibig sabihin, numero uno sa buong mundo ang Pilipinas sa oras na ginugugol sa naturang web site.

Eksaktong 11 minuto at 15 segundo ang ginugugol ng piling Pilipino sa panonood na mga video sa adult website na Pornhub.

Iyan ay batay sa daos mula mismo sa naturang website.

Ibig sabihin, numero uno sa buong mundo ang Pilipinas sa oras na ginugugol sa Pornhub. Sa katunayan, mas mataas ito ng higit sa isang minuto kumpara sa global average, na 10 minuto at 9 segundo lamang.

Pumapangalawa naman ang Pilipinas sa Estados Unidos sa traffic, o ang dami ng tao na pumupunta sa nasabing website.

Ayon rin sa datos ng Pornhub, kadalasang nanunuod ang mga Pinoy gamit ang kanilang smartphone, na ginagamit ng 96 porsiyento ng mga bumibisita sa web site.

Ang nakakagulat, Pilipinas lamang ang bansa kung saan mas maraming babae ang bumibisita sa kilalang adult site.