Halagang $672.3 milyong investment, nasungkit ni PBBM sa kanyang pagdalo sa APEC Summit

Aabot sa $672.3 milyon ang halaga ng investment pledges na maiuuwi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang pagdalo nito sa APEC Summit.

Aabot sa $672.3 milyon ang halaga ng investment pledges na maiuuwi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang pagdalo nito sa ika-30 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting na ginanap sa San Francisco, California noong nakaraang linggo.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakatanggap ng investment pledges si Marcos sa larangan ng telecommunication, artificial intelligence, electronics, healthcare, at renewable energy.

Nakakuha rin ang pangulo ng mga kasunduan para sa sariling Internet MicroGEO satellites ng bansa, pati na rin ang paggamit ng renewable energy sa tulong ng Ultra Safe Nuclear Corporation.

Sinabi rin ng PCO na may kasunduan na sa pagitan ng AC Health at Varian Medical System sa pagpapatayo ng kauna-unahang specialty oncology hospital sa bansa.