Gusto raw patayin? Pastor Quiboloy nagtatago sa ‘Pinas

Hindi nagpakita sa madla ang self-proclaimed "Appointed Son of God" na si Pastor Apollo Quiboloy sa inilabas niyang statement ngayong Miyerkoles.

Hindi nagpakita sa madla ang self-proclaimed “Appointed Son of God” na si Pastor Apollo Quiboloy sa inilabas niyang statement ngayong Miyerkoles.

Ayon sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), nanganganib ang kanyang buhay kaya audio statement lamang ang kanyang inilabas sa YouTube.

“Sana po press conference ang tatawagin ko ngayon. Pero dahil nanganganib ang buhay ko, ay hindi niyo po muna makikita ang aking pagmumukha,” saad ng pastor sa umpisa ng video.

Ilang minuto ang lumipas, ipinaliwanag ni Quiboloy ang nabanggit niyang panganib sa kanyang buhay.

“Dumating po sa aming kaalaman, sa mga sandaling ito, from reliable sources, correct me if I am wrong, na ayaw na po nila ng extradition treaty,” aniya.

“Ang kanila raw pong gagawin, ng CIA, ng FBI, ng US embassy at State Department, kasabwat ng ating gobyerno, ng pangulong Marcos at ng First Lady, ako ay rendition ang kanilang gagawin,” dugtong pa niya.

“Ang rendition ang ibig sabihin po, ano mang oras pwede nilang pasukin ang aking compound at ako ay kidnapin. It’s not only rendition, but elimination. If it is possible, pwede nila akong i-assassinate,” dagdag pa ni Quiboloy.

Si Quiboloy ay pinapatawag ng Kongreso at Senado upang harapin ang dalawang magkaibang kaso laban sa kanya. Bukod pa rito, wanted din siya sa Amerika.