Gusto raw ma-appoint? Ping Lacson tinalakan ang netizen

Hindi pinalampas ni dating senador Panfilo 'Ping' Lacson ang paratang ng isang netizen na kaya niya pinupuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay dahil gusto lang nitong magka-pwesto sa gobyerno.

Hindi pinalampas ni dating senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang paratang ng isang netizen na kaya niya pinupuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay dahil gusto lang nitong magka-pwesto sa gobyerno.

Noong Abril 19, matapos ilabas ni Anthony Taberna ang kanyang panayam kay First Lady Liza Marcos ay bumilib si Lacson sa prinsipyo ng unang ginang.

“If all wives are as fiercely loyal to their husbands as FLLAM is to PBBM, all married men can focus on their jobs or just relax with folded arms, crossed legs up without having to stress themselves with haters and their sympathizers,” saad ni Lacson sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Samantala, isang netizen ang umeksena sa naturang post upang tuligsain si Lacson.

“Konti na lang housing czar ka na sa bobong admin,” pahayag ng netizen na si Gil Carlos.

“Damn you!” maikling banat ng dating senador.

Huling nagkaroon ng pwesto si Lacson sa pamahalaan noong 2022, na huling taon ng kanyang termino sa senado.

Tumakbo siya sa presidential elections sa nasabing taon kung saan nakalaban niya ang nanalong si Presidente Marcos.