Guro kakuntsaba 2 lover sa drug den

Arestado ang isang guro at dalawang kasabwat matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Cotabato City nitong Sabado.

Arestado ang isang guro at dalawang kasabwat matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Cotabato City nitong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina Wajid Ibrahim Galib, isang guro at miyembro ng LGBTQ community, at ang dalawang kasabwat na sina John Lloyd Fernandez Compaña at Ridzwan Ismael Abdulgani.

Ayon sa mga residente sa lugar, parehong kasintahan ni Galib sina Campaña at Abdulgani.

Nakumpiska naman sa naturang drug den ang hinihinalang 11 sachet ng shabu at ilang paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang tatlo.