Gumagalang killer sa Tabaco, Albay chismis lang! – pulisya

Binigyang linaw ng Tabaco City Police Station na walang katotohanan at tsismis lamang ang kumakalat na balitang may pagala-galang mamamatay tao sa Tabaco City.

Binigyang linaw ng Tabaco City Police Station na walang katotohanan at tsismis lamang ang kumakalat na balitang may pagala-galang mamamatay tao sa Tabaco City.

Ayon kasi sa mga residente, may tatlong kalalakihan, na pinaniniwalaang mamamatay tao, ang lumilibot sa lugar at kumakatok sa pintuan ng mga bahay tuwing sasapit ang gabi.

Paglilinaw ni Communication Affairs Division Officer PSMS Joelly Ignacio, wala naman umanong natatanggap ang kanilang istasyon na pormal na sumbong ukol sa kumakalat na balita.

Siniguro naman ng Administrative Officer ng LGU Tabaco na si Gerardo Calixto Colarina na patuloy na magbabantay ang awtoridad para masiguro ang seguridad ng kanilang mamamayan.