Guards, janitors kinilala sa graduation sa UST; kinaantigan ng netizens

Umani ng papuri mula sa netizens ang graduation rites ng University of Santo Tomas (UST) Faculty of Arts and Letters kung saan kasama sa mga nagmartsa ng mga nagsitapos ang mga support staff ng kolehiyo.

Umani ng papuri mula sa netizens ang graduation rites ng University of Santo Tomas (UST) Faculty of Arts and Letters kung saan kasama sa mga nagmartsa ng mga nagsitapos ang mga support staff ng kolehiyo.

Sa video clip ng kaganapan na ibinahagi ng “The Flame”, opisyal na student publication ng UST Faculty of Arts and Letters, matapos na ipakilala ang non-teaching academic staff na binubuo ng office and general support staff ay malugod silang nagmartsa.

Pinangunahan ito ng mga security guard at janitor staff ng academic unit kung saan sinalubong sila ng masigabong palakpakan ng mga estudyante at ng guest of honors ng seremonya.

“This is more than recognition, this is INCLUSIVITY and EQUALITY,” komento ng isang netizen.

“Wow! So proud of the Faculty of Arts and Letters for recognizing the non-teaching staff of their college. This shows how they value the roles of these unsung heroes. Kudos, UST!” pagbati ng social media user sa pamunuan ng UST.

“Yes, because they belong to the school community and they play an important role..nice practice! Kudos, UST! Thank you for giving us something to emulate!” dagdag pa nito.

PANOORIN: