Guanzon may regalo sa mga beki sa Pride Month

Libreng legal advice para sa mga beki na may kinakaharap na kaso.

Libreng legal advice para sa mga beki na may kinakaharap na kaso.

‘Yan ang regalo ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community ngayong Pride month.

“Pride month ngayon. Mga accla, LGBTQIA , I will give u free legal advice. dm me #p3pwd,” post ni Guanzon sa kanyang X (dating Twitter) account

Nagbigay ng email address si Guanzon kung saan maaaring isend ng mga miyembro ng LGBTQ+ community ang kanilang mga tanong at kinakaharap na sitwasyon.

Ang mga email address ay: p3pwdofficial@gmail.com at ratedrvg@gmail.com.

“Send ur name number, city. Ano ang problema? (What’s the problem?) #p3pwd,” tanong pa ni Guanzon sa isang nagkomento sa kanyang post.