Graduating student sa CamSur, binuwis buhay para sa nalulunod na pinsan

Nasawi ang isang graduating student matapos niyang mailigtas ang kanyang pinsan na nalunod sa dagat sa Pasacao, Camarines Sur.

Nasawi ang isang graduating student matapos niyang mailigtas ang kanyang pinsan na nalunod sa dagat sa Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Nico Paraan, 18-anyos, tubong Caranan, Camarines Sur.

Base sa social media profile ni Paraan, siya ay nag-aaral sa Juan F. Triviño Memorial High School sa Camarines Sur.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), matapos iligtas ni Paraan ang kanyang pinsan sa pagkalunod ay inanod naman ito sa malalim na parte ng dagat.

Delikado umano na lumangoy sa dagat noong panahon na ‘yon dahil high tide at malakas ang hangin.

Kaya naman nagpaalala ang PCG sa mga nagtutungo sa beach na magsuot ng life vest para maiwasan ang panganib.