Gov’t workers paldo sa mid-year bonus

Nakatakdang makatanggap ng mid-year bonus ang mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno sa darating na Mayo 15.

Nakatakdang makatanggap ng mid-year bonus ang mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno sa darating na Mayo 15.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), magiging kwalipikado lang ang empleyado kung siya ay pumasok simula Hulyo 1, 2023 hanggang Mayo 15, 2024.

Bukod pa riyan, dapat ay nakatanggap na din umano ang mga ito ng satisfactory performance rating sa pinakabagong performance appraisal period.

“I am pleased to announce that our civil servants will receive their mid-year bonus this year. We know that this is eagerly awaited by our fellow government employees and will significantly assist them in meeting their daily needs,” pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Kabilang sa mga maaaring maging kwalipikado ay ang mga regular, casual, contractual, at uniformed personnel.

Samantala, ang pag-allocate ng mid-year bonuses sa mga probinsya, lungsod, bayan, at barangay ay itatakda ng kani-kanilang konseho.