Goodbye sa mga scalawag! Tatlong pulis, tiklo sa pambubugbog at pangongotong

Na-recover sa tatlo ang marked money na nagkakahalagang P37,000, tatlong baril, at anim na cellphone.

Arestado ang tatlong pulis na diumano’y nambugbog sa isang lalaki na tinangka pa nila umanong kotongan.

Ayon sa biktima, pinosasan siya ng mga suspek, pinasok sa sasakyan ng pulis, at binugbog. Pinagbantaan pa umano siya na sasampahan ng kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Ang masaklap, hindi umano ang biktima ang target ng tatlong pulis, na pinaghahanap diumano ang partner nito na may arrest warrant dahil sa paglabag sa Bouncing Check Law.

Inaresto ng mga operatiba ng Integrity Monitoring and Enforcement Group sina Senior Master Sgt. Jose Reyes, Staff Sgts. Ramel Delorino, at Glenn Libres sa isang entrapment operation sa Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules, Nobyembre 15.

Na-recover sa tatlo ang marked money na nagkakahalagang P37,000, tatlong baril, at anim na cellphone.