Goodbye lisensyang papel na nga ba? Plastic driver’s license, mailalabas na ng LTO

Malapit nang makatanggap ang mga motorista ng totoong driver's license at hindi papel lamang, na siyang naging sistema sa LTO nitong mga nakaraang buwan.

Sinabi ng Land Transportation Office (LTO) nitong Sabado na hindi na papel na lisensya ang ibibigay nito matapos makakuha ng apat na milyong plastic card na gagamitin para sa pag-imprenta ng mga driver’s license.

“We would like to announce to our clients, to the Filipino people na wala ng lisensyang papel! Balik-plastic na lisensya na tayo!” anunsyo ni LTO chief Vigor Mendoza.

Ayon sa kanya, “more than enough to wipe out the backlog on driver’s licenses” ang suplay na nakuha ng LTO.

Bukod pa riyan, sapat na rin ito para sa mga bagong aplikasyon at mga renewal.

BASAHIN RIN: Suspendido ulit ang printing: Driver’s license na pa-expire nitong Nobyembre, extended ang validity hanggang Abril 2024—LTO

“The delivery of these four million plastic cards is enough to address both the backlog and the daily usage through application and renewal of driver’s license,” paliwanag ni Mendoza.

Dagdag pa niya, nakuha ng LTO ang naturang plastic cards matapos ipasa ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Court of Appeals ang injunction na ibinaba ng isang korte sa Quezon City kaugnay sa 3.3 milyong plastic cards na nauna nang binili ng ahensya.

BASAHIN RIN: Magparaya na kayo, please: LTO, nakiusap na sa Allcard na tapusin na ang kaso sa plastic card