Good news! Tapyas presyo sa kuryente, asahan

Posible umanong magkaroon ng pagbaba sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso 2024, ayon sa Manila Electric Company o Meralco.

Sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na mas mababa ang generation charge ngayong buwan Marso, base sa kanilang initial indications.

Matapos kasi umanong sumailalim sa maintenance operation ang San Buenaventura power plant ay nagkaroon ng improved power supply situation sa Luzon grid.

Ito ay dahil sa patuloy na operasyon ng nasabing planta.

Samantala, nilinaw ni Zaldarriaga na ito ay ayon lamang sa kanilang initial indications.