Good News! P100 dagdag sa daily minimum wage, lusot sa 2nd reading ng Senado

Unti-unti nang napapalapit ang pagtataas sa sahod ng mga manggagawang Pilipino.

Unti-unti nang napapalapit ang pagtataas sa sahod ng mga manggagawang Pilipino.

Ito ay matapos lumusot sa ikalawang pagbasa ang panukalang P100 daily minimum wage increase sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Pinagtibay ang Senate Bill 2534 o ang “An Act Providing for a P100 daily minimum wage increase for employees and workers in the private sector” isang linggo makaraang isponsoran ito sa plenaryo ni Senador Jinggoy Estrada.

Ang SB 2534 ay produkto ng ilang panukalang batas na naglalayong itaas ang minimum wage, kabilang ang bersyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na humihiling ng P150 across-the-board increase sa minimum wage ng mga manggagawa

Dahil dito, nanawagan si Zubiri sa Kamara na aksyunan ang wage increase bills.