Good news! Minimum wage rate sa NCR, itataas P35 kada araw

Inaprubahan na ng Regional tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P35 umento sa sahod sa arawang manggagawa.

Magandang balita sa mga manggagawa!

Inaprubahan na ng Regional tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P35 umento sa sahod sa arawang manggagawa.

Ayon sa social media post ng RTWPB_NCR, nakabatay ang umento sa sahod sa Wage Order No. NCR-25 na nilagdaan noong Hunyo 27 at inilathala ngayong araw, Hulyo 1.

Magiging epektibo ang umento sa sahod sa 15 araw matapos ang publication.

Kapag naging epektibo ang kautussan, magiging P645 na ang arawang sahod ng mga non-agriculture workers mula sa kasalukuyang P610.

“On the other hand, the daily minimum wage for workers in agriculture (plantation and non-plantation), service/retail establishments employing 15 workers or less, and manufacturing establishments regularly employing less than 10 workers, will be raised to PHP608 from the current PHP573,” saad ng RTWPB-NCR.

“The minimum wage rates prescribed under this Order shall be for the normal working hours which shall not exceed eight (8) hours of work a day,” saad pa nito.

Hulyo 2023 pa huling nagkaroon ng umento sa sahod ang mga manggagawa ng P40 kada raw.