Good news! Double para sa mga papasok sa Nobyembre 27 — DOLE

Kung hindi naman papasok ang empleyado, bayad pa rin dapat ang araw nito.

Double pay dapat ang mga pribadong empleyado na papasok sa Nobyembre 27, na idineklarang regular holiday ng pamahalaan para sa Bonifacio Day.

Pinaalala ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa inilabas nitong Labor Advisory No. 24, series of 2023, nitong Biyernes, Nobyembre 24.

Ayon sa advisory, kung lampas walong oras ang trabaho, dapat bayaran ng kumpanya ng karagdagang 30% ng hourly rate nito (hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x bilang ng oras sa pagtatrabaho).

Kung papatak naman ito sa rest day ng empleyado, dapat siyang bayaran ng dagdag 30% ng basic wage na 200% (basic wage x 200% x 130%).

Kung hindi naman papasok ang empleyado, bayad pa rin dapat ang araw nito.