Good News! Bigas bumaba ng P2 kada kilo

Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng bigas, ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng bigas, ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Batay kay SINAG chairman Rosendo So, nagkaroon ng P2 kada kilong pagbaba ng presyo sa well-milled rice.

Ito’y dahil sa nangyaring pagtapyas din ng presyo ng bigas sa world market, na nasa $30 ang ibinababa.

Batay kay So, asahan na bababa ang presyo ng bigas sa mga retailer sa oras na mabenta na nila ang kanilang mga lumang stock.

Bukod pa diyan, mararamdaman din ang pagbaba ng presyo ng mga imported rice sa susunod na buwan dahil panahon na ng anihan, ayon sa SINAG.

Siniguro naman ng grupo na walang magiging problema sa supply ng palay sa kabila ng El Niño phenomenon sa bansa.