Good job ‘yan: 3 Pakistani na may kaugnayan diumano sa terorista, arestado ng BI

Dinakip ng Bureau of Immigration ang mga Pakistani na sina Faizan Khan, Ali Wahab, at Ajmal Ali dahil overstaying na sila sa Pilipinas. And tatlong diumano ay may kaugnayan rin sa isang teroristang grupo sa bansa.

Timbog kamakailan ang tatlong Pakistani national na sinasabing may kaugnayan sa terorista.

Ayon sa ulat na nakarating kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, nahuli ng mga tauhan ng ahensiya is Faizan Muhammad, alyas Faizan Khan, 34, sa Purok Durian sa Brgy. Pinig Libano, Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong Oktubre 3.

Dinakip siya ng mga tauhan ng BI dahil sa paglabag sa mga kundisyon ng kaniyang pananatili sa Pilipinas at sa pagiging undocumented alien. Nalaman na expired na ang kanyang travel documents at overstaying na siya sa bansa mula pa noong 2015.

Nadakip naman si Ali Wahab, 36, sa Brgy. Banago, Balabagan, Lanao del Sur, kung saan natimbog rin ang isa pang Pakistani na si Ajmal Ali, 35.

Isang Pinay ang nagsampa ng reklamo sa mga suspek dahil sa hindi nito pagbabayad ng utang na loob ng isang taon. Pinagbantaan pa umano siya ng mga suspek at ipinagmamalaki na may kaugnayan sila sa isang terrorist group.

30