Good job! Paglahok ni PBBM sa ASEAN Summit matagumpay ayon sa Malacañang

Ayon sa Malacañang, nagbunga ng magandang resulta ang paglahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-43 ASEAN Summit sa Indonesia matapos nitong isumong ang mga interes ng bansa.

Naging matagumpay ang paglahok ng Pilipinas sa ika-43 ASEAN Summit sa Indonesia nitong linggo. Iyan ang iniulat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Huwebes, Setyembre 7, sa isang press statement na nilabas ng Palasyo.

Ayon sa pangulo, siya ay lumahok sa 12 Leaders’-Level Meetings kung saan nakapulong niya ang mga leaders ng Australia, Canada, China, India, Japan, Republic of Korea, United States, at United Nations.

“In these meetings, I promoted and highlighted key interests in ASEAN, such as food and energy security, migrant workers protection, climate change, and digital transformation, issues that are of strategic importance to the Philippines,” banggit ng pangulo sa nasabing statement.

Lumahok rin ang pangulo sa ASEAN Plus Three Summit kasama ang mga member-states ng ASEAN at ang China, Japan, at Republic of Korea.

Dito ay tinalakay ng mga nasabing bansa ang mga areas of cooperation kabilang na ang food security, climate change, at digital economy.

Nauna na rin iniulat ng pangulo na nakatanggap ang Pilipinas ng mga investment pledges mula sa malalaking kumpanya sa Indonesia.