Good job, mga ser! Lider ng Bayawak gang, patay sa engkwentro sa Cavite City

Nakipagpalitan ng putok ang mga undercover agents, at matapos ang barilan, patay ang suspek na umanong lider ng tinaguriang gang na sangkot sa serye na mga nakawan at hold-up sa mga convenience stores sa Metro Manila at Calabarzon, ayon sa mga awtoridad.

Patay ang lider ng ng tinaguriang “Bayawak Group” sa isang engkwentro sa mga pulis sa Cavite City noong Sabado, Disyembre 2, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Gelbirth Albios Puerto alias “Boss Bay,” 30, na diumanong pinuno ng Bayawak Group, isang gang na kilala bilang isang gun-for-hire gang.

Matagal nang minamanmanan si Puerto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), at nang makatunog ang suspek sa presensya ng mga pulis sa kanyang kinalalagyan, binunot nito ang kanyang baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Nakipagpalitan ng putok ang mga undercover agents, at matapos ang barilan, napatay si Puerto, ayon kay QCPD chief Brig. Gen. Red Maranan.

Ayon kay Maranan, sangkot ang Bayawak group sa serye ng mga pagnanakaw at hold-up sa mga convenience store sa Metro Manila at Calabarzon.

“I would like to assure the public, that QCPD will continue to monitor and locate those who are involved in the series of robbery incidents in the city and ensure the safety of all Qcitizens,” sinabi pa ni Maranan sa isang pahayag.

Narekober mula sa suspek ang isang calibre .45 na baril, dalawang magazine, anim na cartridge na walang laman, at isang itim na motorsiklo.